2022 WFD Pledge
Kaisa ng buong mundo, Nangangako akong itataguyod ang mga adhikain at adbokasiya ng World Food Day.
Kaakibat ng pangakong ito, makikibahagi ako sa paghanap ng solusyon upang wakasan ang kagutuman at kakulangan ng pagkain.
Magiging responsable ako sa aking pagkonsumo, at di mag-aaksaya.
Susuportahan ko ang mga pagkaing lokal at masustansya.
Makikiisa ako sa pagpapalakas ng sektor ng agrikultura, sa pamamagitan ng paghihikayat sa paggamit ng makabagong teknolohiya at inobasyon.
Makikibahagi ako sa pagpapataas ng antas ng pamumuhay ng mga magsasaka at mangingisda.
Katuwang ang pamahalaan, makikiisa ako sa mga hakbangin na magbibigay pagpapahalaga sa lahat ng Filipino, at sisiguruhing walang maiiwan sa pagkamit ng mataas na produksyon, mabuting nutrisyon, maganda at ligtas na kapaligiran, at masaganang pamumuhay.
Isasapuso ko ang panatang ito at kikilos upang kamtin ang sapat, ligtas, at masustansyang pagkain para sa bawat pamilyang Pilipino.