🎥 Sa loob ng tatlong taon, malaki ang naitulong ng Community-based Participatory Action Research (CPAR) Program sa mga magsasaka sa bayan ng Dingras, Ilocos Norte upang direktang maibenta ang produkto nilang munggo sa kumpanyang Nutridense.
Nito lamang linggo, aabot sa P6.8 million ang kanilang napagbentahan.
Ngayong patapos na ang nasabing programa na inumpisahan noong 2019, ating tunghayan ang naging mga pagsubok ng mga researchers ng Kagawaran ng Pagsasaka at pati na rin ang mga miyembro ng mga asosasyon.
Makakasama natin sina Mr. Mark Ariel Agresor, project leader ng CPAR, at sina Ginoong Virgilio Batoon at Marcial Root, mga magsasaka ng munggo mula sa bayan ng Dingras 🌱