Muling pinilahan ang P20 Bigas Meron na Program sa San Fabian, Pangasinan sa nakaraang Biyernes, Marso 20, 2026.
Umabot sa higit isang libong (1,000) katao ang nakinabang sa inorganisang pagbebenta ng P20 na bigas ng LGU-San Fabian sa pakikipag ugnayan nito sa Department of Agriculture sa ilalim ng Agribusiness Marketimg Assistance Program at ng National Food Authority kabilang din ang Food Terminal Incorporated.
Nakabili ang mga senior citizens, persons with disabilities, solo parents, 4Ps members, mga magsasaka at mangingisda ng tig sa-sampung kilong bigas. Bago nito, kailangang mairehistro ang mga benepisiaryo sa ilalim ng P20 Bigas App upang mailista ang mga nakinabang dito at upang malaman kung ilan pa ang maaaring makuha nilang kilong bigas sa mga susunod na pagbebenta.
Bawat benepisiaryo ay magpapakita ng kanilang identification card na nagmumula sa Department of Social Welfare and Development sa nga PWDs, solo parents at mga miembro ng 4Ps samantalang sa Registry System for Basic Sectors (RSBSA) naman at Fish R registration naman sa mga magsasaka at mangingisda.
Sa pagrerehistro ng mga benepisiaryo sa programa, napag alaman na may alokasyon ang bawat isa ng 30 kilos na bigas sa mga solo parents, 4Ps at PWDs at mangingisda samantalang 50 kilos naman sa mga miyembrong magsasaka.
Sa pagbebenta ng 10 kilos bawat benepisiaryo, meron pang natitirang 20 kilos na pwedeng ma-avail ng mga ito sa susunod na magrequest ang LGU sa pagkakaroon ng programa.
Samantala sa mga magsasaka na nais nang kuning buo ang kanilang alokasyon na 50 kilos, maaari silang dumiretso sa pinakamalapit na tanggapan ng NFA sa kanilang lugar.
Ang P20 Bigas Program ay patuloy na isasagawa ng DA katulong ang mga pamahalaan, NFA at FTI upang maibsan ang malaking pasanin ng mga mamamayan sa pagtaas ng presyo ng bigas bawat kilo sa merkado at gayundin para matulungan ang mga magsasaka na makabenta ng kanilang produktong palay.